“Mahal
kita,
Pero dahil
alam kong mali,
Pinipili
kong magkunwaring galit ako sa’yo.
Para
lumayo,
Upang di
na yumabong ang nararamdaman ko.”
09-19-2012
Napanaginipan ko na naman sya kagabi.
Pangalawang beses na ngayong linggo.
nung una,
Niyayaya nya akong matulog habang
kumakain ako ng hapunan,
Nung ayaw ko,
Humilig sya sa balikat ko habang
kumakain ako.
Ngayon naman, kinukulit nya ako habang
nagliligpit ng higaan.
Ang resulta?
Late ako sa unang subject dahil
tinanghali ng bangon.
Hay, bakit ba palagi ko na lang syang
napapanaginipan?
At bakit palaging mga masasayang tagpo
ang nangyayari sa pagitan naming dalawa?
Sinasalamin daw ng panaginip ang
nararamdaman.
Marahil ay iyon ang dahilan ng lahat.
Kanina, umulan sa habang nasa kabilang bahay kami,
Pinahatid sya ni ate sa akin dahil
wala syang dalang payong.
Hindi ko alam kung anong gagwin ko.
Syempre, hindi ako makakatanggi.
Ambilis ng kabog ng dibdib ko habang
naglalakad kami pauwi.
As usual, hindi pa rin ako
nagsasalita.
Naka limang sentences yata sya,
pero isang “oo” lang ang lumabas sa
bibig ko,
nung tinanong nya ako kung pupunta pa ako sa chapel.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya nung mga sandaling
yun.
Pero kung alam nya lang,
Gusto kong umiyak, yakapin sya,
mag-sorry sa lahat ng rudeness na
pinakita ko sa kanya.
Higit sa lahat, gusto kong sabihin
kung gaano ko sya kamahal.
Pero dahil alam kong mali,
Wala akong lakas ng loob na gawin
iyon.
Mananatili akong nagmamahal sa malayo.
Habang pilit na umiiwas sa kanya.
Habang patuloy na nagkukunwaring galit
ako sa kanya.
Hindi ko alam kung hanggang kalian,
Kung hanggang kalian ako makakayanang
tiisin ang sakit…
Malapit na ang birthday nya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Kung kakausapin ko sya kahit isang
araw lang.
Gusto ko syang makitang masaya.
At gusto kong isa ako sa dahilan ng
kasiyahang ‘yon.
Bahala na..
-Vincent…