Huwebes, Setyembre 20, 2012

Mula sa Malayo...


                                          “Mahal kita,                                                                     
                                           Pero dahil alam kong mali,                                         
                                           Pinipili kong magkunwaring galit ako sa’yo.       
                                           Para lumayo,                                                                    
                                   Upang di na yumabong ang nararamdaman ko.”


09-19-2012

Napanaginipan ko na naman sya kagabi.
Pangalawang beses na ngayong linggo.
nung una,
Niyayaya nya akong matulog habang kumakain ako ng hapunan,
Nung ayaw ko,
Humilig sya sa balikat ko habang kumakain ako.
Ngayon naman, kinukulit nya ako habang nagliligpit ng higaan.
Ang resulta?
Late ako sa unang subject dahil tinanghali ng bangon.
Hay, bakit ba palagi ko na lang syang napapanaginipan?
At bakit palaging mga masasayang tagpo ang nangyayari sa pagitan naming dalawa?
Sinasalamin daw ng panaginip ang nararamdaman.
Marahil ay iyon ang dahilan ng lahat.
Kanina, umulan sa habang nasa kabilang bahay kami,
Pinahatid sya ni ate sa akin dahil wala syang dalang payong.
Hindi ko alam kung anong gagwin ko.
Syempre, hindi ako makakatanggi.
Ambilis ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami pauwi.
As usual, hindi pa rin ako nagsasalita.
Naka limang sentences yata sya,
pero isang “oo” lang ang lumabas sa bibig ko,
nung tinanong nya ako kung pupunta pa ako sa chapel.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya nung mga sandaling yun.
Pero kung alam nya lang,
Gusto kong umiyak, yakapin sya,
mag-sorry sa lahat ng rudeness na pinakita ko sa kanya.
Higit sa lahat, gusto kong sabihin kung gaano ko sya kamahal.
Pero dahil alam kong mali,
Wala akong lakas ng loob na gawin iyon.
Mananatili akong nagmamahal sa malayo.
Habang pilit na umiiwas sa kanya.
Habang patuloy na nagkukunwaring galit ako sa kanya.
Hindi ko alam kung hanggang kalian,
Kung hanggang kalian ako makakayanang tiisin ang sakit…
Malapit na ang birthday nya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Kung kakausapin ko sya kahit isang araw lang.
Gusto ko syang makitang masaya.
At gusto kong isa ako sa dahilan ng kasiyahang ‘yon.
Bahala na..




-Vincent…